Magkano ang Solar Panel sa Pilipinas?

Bolinao Solar technician giving a thumbs up beside a newly installed home battery

Ito po ang pinakamadalas na tanong sa amin. At ang totoo, walang iisang sagot. Parang nagpapagawa po kayo ng bahay: depende sa laki, sa klase ng materyales, at sa kung ano na ang meron kayo ngayon.

Magkano ba talaga?

Base sa mga price guide ngayong 2026, ang buong installation sa bahay ay nasa ₱150,000 hanggang ₱650,000. Malawak po 'yan, kaya mas madaling gamitin ang presyo kada watt — nasa ₱55 hanggang ₱75 kada watt ngayon. Mas mura na po ito kaysa dalawang taon na ang nakakaraan.

Hindi po ito quotation namin. Market price lang po ito para may idea kayo agad.

Bakit nag-iiba-iba ang presyo?

  • Laki ng system. Nakabase po ito sa gamit ninyong kuryente, hindi sa laki ng bubong. Kung maraming aircon, mas malaki ang kailangan.
  • May battery ba o wala. Ang on-grid na walang battery ang pinakamurang paraan para bumaba ang bill. Pero kung gusto ninyong may ilaw kahit may brownout, kailangan ng hybrid system at battery. Dito po talaga tumataas ang presyo.
  • Klase ng bubong. Mabilis po ang yero. Matagal ang tile. Kung luma na o mahina na ang bubong, minsan hindi kayang tapakan nang ligtas — kailangan munang ayusin.
  • Brand ng panel at inverter. Malaki ang agwat ng mura sa Tier-1. Hindi naman po masama ang mura, basta kayo ang pumili — hindi 'yung basta na lang isinama sa quote.
  • Kalagayan ng kuryente sa bahay. Kung luma na ang panel board o kulang ang grounding, may dagdag pong gastos diyan.

Paano malalaman kung sulit?

Simple lang po ang kuwenta. Tingnan ninyo ang buwanang bill ninyo.

Halimbawa, ₱8,000 kada buwan ang kuryente ninyo, tapos bumaba ito ng 60 porsyento. Nakatipid po kayo ng ₱4,800 kada buwan — mga ₱57,600 kada taon. Ihambing ninyo 'yan sa presyo ng system para makita kung ilang taon bago bumalik ang ginastos ninyo.

Karaniwan po, apat hanggang anim na taon ang balikan sa on-grid. Matagal pa ang buhay ng panel pagkatapos noon. Mas mahaba po ang balikan kapag may battery — pero iba po ang binibili ninyo doon: kuryente kahit brownout, hindi lang tipid.

Ano ang dapat nasa quotation ninyo

Bago po pumirma, siguraduhing nakasulat ang mga ito:

  • Brand at wattage ng panel, at ilang piraso
  • Brand at model ng inverter
  • Kung may battery: anong klase at ilang kWh
  • Mounting, cables, breakers at safety devices
  • Permit, at kung sino ang bahala sa net metering
  • Warranty — magkaiba po ang warranty ng panel, ng inverter, at ng pagkakabit

Kung "Solar system — ₱280,000" lang ang nakalagay sa quote, hindi po 'yan quotation. Presyo lang 'yan. Hindi ninyo maikukumpara sa iba.

Libre po ang sizing at quotation sa amin. Sabihin lang ninyo ang buwanang bill ninyo at bibigyan namin kayo ng itemized na presyo. Walang obligasyon — at kung sa tingin namin hindi sulit sa inyo, sasabihin din po namin nang diretso.

Para po sa presyo ng bahay ninyo

Ang mga nasa itaas po ay panimula lang. Ang mahalaga, 'yung presyo para talaga sa bahay ninyo — at mabilis lang po naming makuwenta 'yan kapag nakita namin ang bill ninyo.

Kung nag-iisip po kayong mag-solar, mag-message lang po kayo sa Messenger o tumawag, at sisimulan na namin ang sizing. Welcome din po kayo sa shop namin sa Concordia, Bolinao kung gusto ninyong makita muna ang mga panel at battery bago magdesisyon.